"Kung wala kang nagawang tama kahapon kundi puro mali, ayos lang. Atleast may nagawa ka kahit mali. Ngayon, gawa ka ulit para masaya. Masarap mag-ipon ng mali. Pag madami kang naipon, magiging magaling kang taga-payo sa mga tulad mong talunan. Pag nangyari yun, magiging makabuluhan ang iyong buhay dahil nakatulong ka sa iyong kapwa. Dun maguumpisa ang pag-gawa mo ng tama"